|
Post by iamdhagz on Apr 27, 2017 0:37:47 GMT 8
Can anyone help me how to update this? Tnx.š I'd like to add those recent releases. Territorio delos Hombres: Batch 6: Cesar Trillo By Vanessa āI think I love you. No. That didnāt come out right. Let me rephrase thatāI know Iām in love with you.ā Inirereto si Sari ng kanyang ina kay Cesar Trillo, CEO ng isang malaking kompanya, abogado, bilyonaryo, at ubod ng guwapoāsamantalang siya ay ordinaryong tao lang na may mababaw na kaligayahan. Gayunman ay inalok siya ni Cesar ng trabaho sa TV station na pag-aari ng pamilya nito. Sinunggaban niya ang pagkakataon sapagkat pangarap niyang maging isang batikang reporter. Agad siyang na-promote at inakala niya sa ilang sandali na bumilib ito sa husay niya. Hindi pala. Mayroon palang kapalit ang lahat ng iyonāang makipag-date siya sa kapatid nitong bading. Nakipagkutsaba siya sa kapatid nito at nagpanggap siyang hindi niya alam na bading ang lalaki dahil sa kanyang labis na inis kay Cesar at sa pag-aray ng kanyang pride. Ang kaso, bakit kahit iniisip nitong may involvement siya romantically sa kapatid nito ay nagtatangka itong hagkan siya? Attachments:
|
|
|
Post by mbjavier on Dec 20, 2017 12:30:51 GMT 8
THS00054 - Territorio de los Hombres Series 54 Batch 6: Ross Reyes āKahit anoāng gawin mo, hindi kita iiwan. Ipaglalaban kita at magiging masaya tayo, ipinapangako ko sa `yo.ā Bilang isang kababata, kaibigan, at die-hard fan ni Anton AvendaƱo ay talagang inis si Sabel sa mahigpit na kakompetensiya nitoāsi Ross Reyes. Sa kanyang opinyon, hambog si Ross, babaero, masama ang ugali, at mang-aagaw ng oportunidad ng iba. Nang malaman niya mula kay Anton na nawawala ang nobya nito at may hinala itong kasama ni Ross ang babae ay nagboluntaryo siyang alamin kung may katotohanan iyon. Ngunit isang hindi inaasahang kaganapan ang naging daan kaya imbes na malaman niya ang katotohanan ay naging alalay siya ni Ross! Ang hindi lang niya maipaliwanag ay kung paanong ang puso niyang matagal na niyang inilaan kay Anton ay biglang nag-iba ng tono. Ilang oras pa lang kasi niyang kasama si Ross ay ibig na niyang bumalimbing. 199.119.100.63:8080/api/Cover?type=cover&id=3833
|
|
|
Post by mbjavier on Dec 20, 2017 12:39:05 GMT 8
THS00055 - Territorio de los Hombres Series 55 Batch 6: Juan Gorospe āThis is wrong. But I canāt resist youā¦ Iām sorry, I canāt resist you.ā Bridgette was a rebel. Mabababa ang marka niya sa eskuwelahan kaya ikinuha siya ng tutor ng kanyang mga magulang, si Juan na ilang taon lang ang tanda sa kanya ngunit isang henyo. Mabilis na naging kaibigan niya ito sapagkat napaka-gentle at napakabait nito. He became her best friend, and she his. Through the years their friendship grew deeper. Naging business partners sila, saksi ang isaāt isa sa mga kaganapan sa buhay nila. Juan got engaged, and she found a boyfriend her family loved. Akala niya ay walang magiging problema sa pagitan nila, akala niya ay magiging mag-best friend sila buong buhay nila, ngunit bigla ay nagkaroon ng tensiyon sa pagitan nila. Soon, they were French kissing each other. And then she realized she was in love with him. But was he in love with her, too? Ano ang gagawin niya?
|
|
|
Post by jonads on Sept 16, 2020 15:14:14 GMT 8
May book po ba si For? "Fortunato Gorospe" š±š±, thank you,
|
|