|
Post by yzelle on Jan 21, 2010 18:17:26 GMT 8
PHR 3315 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin: Pipay Caballero-Smith [/color] “I don’t think it would be fair if I don’t tell you some things about me. You see, I really like you, and I like being with you. Matagal na panahon na akong hindi nakakatawa, Pipay. Ikaw lang ang nakapagpatawa uli sa akin. But I can’t hurt you by not telling you what I feel. I still feel something for my ex.” Aray here, there, and everywhere. Hindi kaagad nakatugon si Pipay sa isiniwalat sa kanya ni Antonio. Masakit, oo, pero nagpapasalamat siya sa pagrespeto nito sa kanya sa ganoong paraan. “I want to forget her. I want to be with you… Masarap sanang gawin na huwag nang magpaliwanag, na huwag nang sabihin ito sa `yo, pero hindi ko kayang gawin. I guess I just want you to know the truth and at the same time, I am hoping that even with the truth, you would find it in you to… I don’t know, help me out or just be with me and see what happens.” Willing itong kalimutan ang ex nito, may matinding atraksiyon din ito sa kanya. Nasa kanya ang partida. Bakit hindi siya susubok? Ganoon niya kamahal si Antonio. Sana lang ay may positibong kapuntahan ang sugal na iyon.
|
|
|
Post by yzelle on Mar 4, 2010 11:36:34 GMT 8
i love this story...
nakakatuwa si pipay...naiisip ko tuloy mga napapanuod sa comedy bar....
ayan, naghabol nga si antonio...
|
|