|
Post by yzelle on Jul 8, 2009 9:29:08 GMT 8
PHR 3095 Mimay's Romance
Init ng ulo ang pinakamalaking dahilan kung bakit napasama ang pagkakabasted ni Mimay kay Pancho, isang Tsinoy na manliligaw niya na hindi mahusay mag-Tagalog. Hindi niya ito type. Ni hindi nga niya naisip ito pagkatapos ng pambabasted dito. Pagkalipas ng ilang taon ay muli silang nagkita. Ibang-iba na ito. Mula sa pagbibigay sa kanya ng hopia at chammy na animo isang atat na bata ay mukha na ito ngayong modelo. Hindi niya inakalang ito pala ang magbibigay sa kanya ng tulong na kailangang-kailangan niya kahit tila labag iyon sa loob nito. Ipinakiusap lamang kasi siya rito ng nobya nito. Ang nobya nito na siyang abogada niya. Paano na ang nabubuong pagtingin niya sa lalaki? Ano ang laban niya sa isang abogada na bukod sa pinagkakautangan niya ng loob ay maganda, istrikto, matapang, at isang sharpshooter na may alagang Armalite?
|
|