|
Post by Lhourdz aka KhUlOtZkY on Jun 10, 2009 10:47:46 GMT 8
PHR 3070 Hong Kong Chronicles: Love In Spring by Vanessa Intense attraction at first sight. Iyon ang eksaktong naramdaman ni Serena kay Sal nang magkakilala sila sa Hong Kong. Hindi niya alam kung anong klaseng panghalina mayroon ang lalaki na tila wala siyang lakas na tanggihan ito. Ni hindi siya nakaramdam ni katiting mang pagsisisi nang may mangyari sa kanila gayong kailan lang sila nagkakilala. He was very caring and sweet. Everything felt so right, so wonderful. Naging makulay ang bakasyon niya sa Hong Kong dahil dito. But one day she woke up and he was gone. Ni hindi man lang nagpaalam ito sa kanya. Noon siya sinampal ng masaklap na katotohanan: walang halaga rito ang mga nangyari sa kanila. Ang lahat ng nangyari sa kanila ay isa lang magandang panaginip…
|
|