|
Post by Lhourdz aka KhUlOtZkY on May 13, 2009 10:17:21 GMT 8
PHR 3038 Blue Eyes, Sacred Lies by Vanessa
Mula pagkabata, tila laging umaamot ng atensiyon si Sherry mula sa mga magulang niya. Tila wala ring ibang importante sa mga ito kundi ang Ate Alexa niya. Maging ang ibang tao ay mas hinahangaan ang ate niya kaysa sa kanya. Lumaki siyang sunud-sunuran sa bawat naisin ng mga magulang niya kahit iyon ay labag sa kalooban niya. Ngunit dumating sa buhay niya si Saul. Ito ang nagbigay-kulay sa mundo niyang umiikot lang sa pagsisilbi sa kanyang mga magulang at kapatid. Ito ang nagbigay sa kanya ng pagpapahalaga at pagmamahal na kailanman ay hindi niya nakuha mula sa kapamilya niya. Minahal niya ito at nakahanda siyang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan. Alam niyang mahal din siya nito at ibibigay nito ang lahat para sa kanya. Pero bakit kung kailan kailangang-kailangan niya ang pagmamahal at suporta nito ay saka siya nito iniwan.
|
|
|
Post by raveneyes on May 20, 2009 6:10:58 GMT 8
aw, gusto k na itong mabasa
|
|
|
Post by dhaley on May 27, 2009 18:35:16 GMT 8
kakatapos ko lang nito, maganda rin halos lahat naman ng gawa ni Ms V na makapal special.
at typical ang story nina shering at saul, maganda tlga kaya basahin nio na, nakakainluv ang pagiging blue eyed ni saul hehehe....
At may times na nakakaawa si sherry dito, peo may hero naman sya. ganda tlga.
|
|
|
Post by zein on May 29, 2009 16:19:54 GMT 8
nabasa ko na rin 'to..!! buti na lang may karma...nanggagalaiti na ako sa pamilya ni sherry... puro special edition and nabili ko nung lunes...
yung dalawang GEMS na lang ang wala ako..
|
|
|
Post by raveneyes on Jun 1, 2009 7:35:42 GMT 8
gusto ko mga book ni Vanessa makakapal di ako mabibitin. buti naman at pinagiisa na nila ang books, hindi na part 1 & 2... hahahaha
|
|