ICAH
ADMINISTRATOR
oink...
Posts: 395
|
Post by ICAH on Sept 28, 2007 13:37:53 GMT 8
“Kung ayaw ko ang isang bagay, kahit sino pa ang pumilit sa akin ay hindi ko gagawin. Bago pa man nila ako kausapin ay plano ko nang alukin ka ng kasal.Wala na akong magawa, I've fallen so bad!” “Forget what whappened,” malumanay na utos ni Adrien kay Tasya. Ang tinutukoy nito ay ang muntik nang paglapat ng mga labi nito sa mabini niyang mga labi. “Bakit, may nangyari ba?” bale-wala namang sabi niya. Tama ito, kailangan nga niya iyong kalimutan dahil sa una pa lang naman ay hindi na nila gusto ang isa’t-isa. “Cut the bullnuts, Tasya! We both know what happened. And I want you to forget it. Huwag kang mag-ilusyon sa akin.” Ikinapanting iyon ng mga tainga niya. Ngunit bakit hindi siya maka-react? Dahil ba totoong nag-iilusyon nga siya rito at gusto rin niyang matuloy ang nabimbing halik?
|
|