ICAH
ADMINISTRATOR
oink...
Posts: 395
|
Post by ICAH on Sept 28, 2007 13:36:46 GMT 8
“Hindi ba't pangako ko sa 'yo na ang kasal natin ang magiging pinakamaganda sa kasaysayan ng Santa Elena? It's all for you, Margie. Ganyan kita kamahal.” “Binalaan na kita, Margie,” seryosong sabi ni Tonio sa kanya. “Hindi ba, sinabi ko na sa ‘yo na mag-ingat ka kay Jun-jun? Bakit parang enjoy ka pa sa kanya kanina?” “Ano bang paki mo?” galit niyang tugon dito. “Ganoon ka na ba talaga kadesperada na pati si Jun-jun ay papatulan mo? Atat na atat ka na bang magka-boyfriend dahil hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagkakaroon kahit isa man lang?” nanlilisik ang mga matang akusa nito sa kanya. Tila naman nagkaroon ng sariling isip ang kanyang kamao na dumapo sa mukha nito. Dumugo ang nguso nito. Tumayo ito at hinawakan ang kanyang braso. “You are going to pay for this.” Iyon lamang at sinibasib na siya nito ng halik. Ngunit imbis na magalit ay tila nag-enjoy pa siya sa ipinalasap nito sa kanya? Totoo mga ba ang akusasyon nito sa kanya?
|
|
|
Post by nins on Jan 30, 2009 20:10:01 GMT 8
sana mareprint di tong mga to.. para masaya ..
|
|