ICAH
ADMINISTRATOR
oink...
Posts: 395
|
Post by ICAH on Sept 30, 2007 14:23:47 GMT 8
Mataas ang pangarap ni Alaia sa buhay. Plano niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang, makapagtapos ng kanyang pag-aaral. Napakahirap para sa kanyang kamtin ang mga iyon kung hindi niya tutulungan ang kanyang sarili sapagkat ang kanyang sarili lamang ang kanyang inaasahan.
Salamat at nabigyan siya ng trabaho sa Villa Geronimo. Malaki magpasuweldo ang pamunuan niyon. At doon niya nakilala si Malvar, ang nag-iisang anak na lalaki ng may-ari ng villa.
Hindi man naging maganda ang una nilang pagkikita ay humingi naman ityo kaagad ng dispensa, sa pamamagitan ng isang mamahaling alahas at maapoy na halik…
Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa pagitan nina Alaia at Malvar. Ang kanyang galit para sa kabruskuhan nito ay agad ding napalitan ng pagsuyo. Mahirap para sa kanyang hindi mahulog ang loob dito kung lahat ay ginagawa nito upang ipakita ang pagtingin sa kanya. Marami itong pinangako sa kanya, maraming pinlano para sa kanilang dalawa.
At nang dumating ang puntong lahat ng pangako nito ay binawi nito, inakala niyang isa lamang iyong masamang panaginip. Hiniling niyang sana ay hindi iyon totoo. Labis niya itong kinailangan ngunit ibang lalaki ang dumating upang sagipin siya. Tinulungan siya nito, iniba ang kanyang mundo.
Makalipas ang mahabang panahon ay nagbalik si Malvar. At kung magsalita ito ay para bang dapat niyang tanawing utang-na-loob dito ang naging pang-iiwan nito sa kanya noon…
|
|
|
Post by Lhourdz aka KhUlOtZkY on Jan 1, 2008 15:12:02 GMT 8
kakatapos ko lang basahin eto
this is my favorite!!!
|
|
|
Post by raveneyes on Feb 7, 2008 11:59:26 GMT 8
|
|
|
Post by zein on Feb 19, 2008 20:08:36 GMT 8
Hay,,,,Malvar.... Ang dami-daming taon ang nasayang... hindi lang naman para sa kiss ang mouth ng isang tao.... dapat ay naging buo ang pagtitiwala mo kay Alaia... pero kung hindi namn naging ganito ang takbo ng story nito ay hindi sana ako mag-eemote ng todo.... ang ganda kasi...
HayZZZ....
|
|
|
Post by Lhourdz aka KhUlOtZkY on Feb 22, 2008 22:06:22 GMT 8
eto ba fave mo zein???
|
|
|
Post by zein on Mar 21, 2008 15:41:49 GMT 8
isa sa mga fave ko... pero ang binoto ko ata sa poll sa sina duan at ingga... may hang-over lang ako dun sa dalawa...
|
|
|
Post by am on May 9, 2008 17:13:49 GMT 8
hayz..makahanap na nga ng copy nito..hindi ko kasi nakumpleto ang series...hayz...=(
|
|
|
Post by yzelle on May 16, 2008 21:02:17 GMT 8
nakakabadtrip, nakakita ako nito pero part 1 lang...
di ko muna binili...baka sakaling dumating part 2... ;D
|
|
|
Post by zein on May 19, 2008 14:16:34 GMT 8
...sana sis ay dumating na ang book 2 at ng mabili mo na... ..hehehehe....maganda sya...konektado kay isabella...
|
|
|
Post by am on May 21, 2008 15:21:47 GMT 8
goodluck sis yzelle...kung nabasa mo yung kay isabella maaapreciate mo ng super to..=)
|
|
|
Post by zein on May 24, 2008 14:25:40 GMT 8
i second the motion...
|
|
|
Post by yzelle on May 25, 2008 15:52:37 GMT 8
naku di ko nabasa si isabella mga sis...
|
|
|
Post by nins on Dec 19, 2008 19:19:00 GMT 8
sayang naman..sana mabasa mo yun..connected sila eh..
|
|
|
Post by brokenheartedone on Feb 3, 2009 0:38:20 GMT 8
masasabi q lng completo aq ng batch 2!!
|
|
|
Post by nins on Feb 21, 2009 16:21:08 GMT 8
galing.. good for you..
|
|